An OFW diaries

Lihis sa nakaugaliang kwento sa blog na ito ang parteng OFW diaries,pero para mailabas ang saloobin at opinyon ko sa mga bagay-bagay habang ako ay naririto sa ibang bansa nais ko lamang ibahagi sa inyo ang mga naoobserbahan ko sa lugar na aking kinagagalawan at sa aking mga nakakasama sa araw-araw.Pag pasensyahan nyo na (sa aking mga mambabasa) kung anuman ang aking masasabi, ito’y base lamang sa nakikita ko.Hindi ko nilalahat kundi kalimitan kong napapansin at nakikita.

Umpisahan natin sa mga nakakasama ko sa bahay. Nakakatawa lamang na pag magkakaharap sila ay okay sila pero sa likod nito ay may mga bagay silang di nila nasasabi sa kanila.Hindi ba dapat ay igalang at respetuhin ang bawat isa? Pero bakit minsan ay sumusobra na…diba dpat ay preno-preno din pag may time diba? Kung nais mong punahin siya sa maling gawa niya kausapin ng malumanay hindi ung palaging nakasigaw. Hindi ba’t mas maganda yun diba? At kapag ikaw naman ang nakagawa ng di maganda sa kasamahan mo,marunong ka naman sanang humingi ng pasensya.Alam mong nakasakit ka na at nakadisturbo ka na di ka man lang manghingi ng tawad.Tandaan na pare-pareho kayong naninirahan sa iisang bahay.Maging sensitive ka na man hindi yung naka reklamo ka nlng parati.

Sa ngayon ito pa lang ang maisusulat ko.Pagpasenyahan na ata nais ko lamang maglabas ng hinaing at opinyon.

ofwdiariesnowsigningoff….

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *