buhay nursing aide..

hay nakakaloka na talaga ang buhay nursing aide dito sa singapore particularly sa mga nursing home.di mo na alam ang gagawin mo kung nanaisin mo pang magtagal pa ulit ng dalawang taon at pag-tiisan ang mga taong nakapaligid sayo.Problema nito kung di ka makakatiis walang mangyayari sayo kundi ang mawalan ulit ng trabaho at nganga ang aabutin mo sa pinas o makipagsapalaran ka ulit sa ibang lugar. Marunong naman sanang umunawa ang mga taong involved dito. Alam naman nila ang hirap ng trabaho ng Nursing aide pero lalo pa nilang pinararamdam na hanggang diyan lang ang kaya namin.Kaya nga po kami nag-aral ng 4 years at nagsunog ng kilay ay dahil gusto naming mai-share din namin ang skills namin.Pero sa ginagawa ninyo ipanmumukha nyo sa amin na wala kaming alam at alam lang namin ay magpalit ng diaper at magpakain.Di po kami ganun.May mga utak po kaming ginagamit.

Sa mga kasamahan ko na ganun din ang trato sa kanila mag-isip isip na po tayo.Wag po natin silang hayaang tapak-tapakan lang tayong mga registered nurse or sabihin nating un registered nurse at ipamukha sa atin na mababa lang ang ating pinag-aralan.Ipaglaban po natin ang ating karapatan at ang alam nating tama at wag po tayong papa-agrabyado sa kanila!

Sa mga taong ganun naman po ang ugali,sana marunong po kayong ilagay ang inyong sarili sa aming sitwasyon. At sana naman po kung gusto niyong irespeto kayo eh irespeto niyo rin po kami at makaka-asa po kayong you will gain the respect that you want from us.

 

 

2 responses to “buhay nursing aide..”

  1. Jane, I understand what you feel. Minsan kung sino pa kapwa pinoy sya rin nangunguna sa paghila sayo. God knows everything u do. In God’s time, masusuklian lahat yan.

    1. yep mr.ian i know that all things na ginagawa namin alam ni God.thanks on commenting on this blog.

Leave a Reply to ian Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *